…
shuxx. isa na ata ‘to sa mga pinaka-kinatatakutan kong year. ayoko pa kasi umalis ng high school <///3 hindi lang dahil sa barkada. dahil na din siguro sa ayaw ko pang umalis sa comfort zone ko.
tss. yan 4th year na. pero di ko pa din sya nagiging classmate. alam ko din naman na kahit maging classmates kame wala namang mag-iiba sa pagtingin nya saken eh. syempre, may mahal na sya. ang ganda pa nga nung taong yun eh. matalino, sporty, tapos talented pa. oh, ano pa palag ko nyan? pero syempre iba pa din kase yung feeling pag classmate ko sya. syempre diba, pag classmate mo, pwede mo maka-close. syempre gusto ko din naman na kahit hindi nya ako magustuhan, magkaron naman ako ng magagandang memories kasama sya. kaso, yun, wala na talaga.
akala ko dati, crush ko lang sya. yun pala, mag-iiba pa yung feeling na yun. lalalim pa. akala ko di na made-develop yung feelings ko para sa kanya kase di naman kami talaga nagkaka-interact. pero sad to say, lumalim pa nga yung feeling na yun. naging love pa nga eh. hirap pala pag minamahal mo yung first love mo pero sa malayo ka lang no? what’s worse? ako lang yung na-develop. ang saya naman nun.
pssh. madrama na kung madrama. pero, i never really got the chance to tell him how much i love him (charot :))) ) pero i think di ko na talaga magagawa yan. two years ko na syang minamahal. yeah, sabihin na natin na high school pa lang and impossible na sabihin na true love talaga yan pero alam ko naman sa sarili ko kung totoo talaga or hindi yung nararamdaman ko. diba nga, sino pa bang pinaka-nakakakilala sa sarili mo kundi ikaw. and i know, may isang tao na akong nasabihan ng “i love you”. pero now, i know na infatuation lang talaga yun. siguro nadala ako sa sweetness and expressiveness nya? basta ganun. pero i know na this time, mahal ko na talaga yung taong ‘to. to be exact, two years, two months and eight days ko na syang gusto. i’ve been dumped indirectly, but still, di nagbago yung feelings ko for him. NOT A SINGLE BIT. pero dahil sa feeling na yun, nasasaktan na din ako. siguro pag nakikita ako ng barkada ko, masaya ako. smile dito, smile doon. pero hindi naman ibig sabihin na pag naka-smile ka masaya ka na din.
ilang bese ko nang nag-try mag-move on. dumating nga sa point na sinabi ko ng mahal ko yung sumunod na tao na yun kahit na crush ko lang naman talaga sya. may time pa nga na nilandi ko din mga lumalandi sakin eh. masama na kung masama pero ginawa ko lang naman yun for the sake of moving on. pero, kahit na sabihin ko pang gagawin ko lahat para makapag move on, NEVER EVER EVER KO SYANG KAKALIMUTAN. kahit na sabihin pa na nasaktan ako dahil sa kanya, hinding hindi ko sya kayang kalimutan. unang una sa lahat, di naman kase talaga nya kasalanan kung di nya ako magustuhan diba? and pangalawa, kase mahal na mahal ko sya.
siguro sa paningin ng iba, hindi pa ako nakakagawa ng paraan para ipakita ko na mahal ko sya. pero, hindi pa ba sapat yung di ako nagiging hadlang sa kanilang dalawa? di pa ba sapat yung indirectly kong sinusuportahan yung relationship nila? hindi kase sa lahat ng pagkakataon applicable yung sinasabi nila na “KUNG MAHAL MO, IPAGLABAN MO”. diba, bakit ko sya kailangang ipaglaban kung masaya naman sya? baka nga lalo lang mapalayo yung loob nya saken pag “pinaglaban” ko sya. pssssssh. baka layuan lang ako nun :))
hayy, sana sa senior year ko, magkaron naman ako ng chance na maka-close sya. na sana kahit friends lang diba. masaya na ako dun. contented na ako. mas okay naman yun kaysa yung dati na hanggang pa-picture lang sa kanya. pero ayos lang din naman kung hanggang dun na lang talaga.
sana, mabigyan lang ako ng chance na maging kalapit sya. kahit masakit isipin na hanggang dun na lang, okay lang kase masaya naman sya diba? kahit ano, okay lang. BASTA MASAYA SYA.
CARL MITCHELL HIPOLITO STO DOMINGO,
I WILL NEVER FORGET ABOUT YOU.
YOU’LL ALWAYS HAVE A SPECIAL PLACE HERE IN MY HEART.
I WILL ALWAYS LOVE YOU.